Gusto ko siyang isulat sa Tagalog kasi sa tingin ko i will be able to express myself better.


Dapithapon, alas sais na. Paalis na ang araw, makulimlim na ang langit, parating na ang buwan saka pa lamang natapos ng aking kaibigan ang layout ng bookmark na pinagawa ko para sa launching ng CSSP Week Centennial Celebration. Dali-dali akong umalis ng bahay matapos kong maligo at maisave ang larawan sa aking USB upang magpunta ng UP
Gabi, alas sais trenta ako dumating ng SC. Nagmamadaling binagtas ang daan patungo sa YZA, ang stall kung saan ako magpapaprint. Kaso, ang malas ko talaga kasi kakaalis pa lamang nung magprintprint at isa pa, hindi pa nakalayout ng maramihan.
Andami kong pinuntahang stall, mula GreenShoppe hanggang isko. Wala talaga. Kung hindi walang papel, walang ink o kaya walang magpiprint at maglalayout.
Nagpapanic na ako. Gusto ko ng umuwi, nakakainis kasing isipin na Linggo tapos nasa eskuwelahan ka nang bigla kong makita ang isa maliit na stall. Naalala ko na iyon pala ang stall na nilagpasan ko sapagkat nagkaroon na ako ng mapait na karanasan doon, nakakakuha ako ng bloodhound virus mula sa kanilang mga computer na siyang muntik nang sumira sa aking mahal na deskstop. Buti na lamang ay magaling si AVG. ~_~
Anyway, eh di ayun, pumasok ako. Agad tinanong kung ano ba ang kailangan ko. "Magpapalayout po at magpapaprint ng bookmark" in straight English ang sagot ko (hahaha) @_@. "May file ka nung image?" tanong sa akin ni Kuya. Siyempre meron ay nasa USB ko. Pagkabigay ng USB ko ay agad na niya itong sinimulan.
Matagal tagal din akong naghintay bago ko nakuha ang inaasam na bookmark. Mahirap daw kasing maglayout sabi ni Kuya na back to back. Dapat daw pantay. Ilang beses ding nagkamali sa pagprint. Minsan malaki masyado tapos biglang maliit. Tapos marami pang iba ding nagpapaprint ng picture kaya naantala ang trabaho.
Makalipas ang isang oras, natapos din. Kaso may bagong problema. Hindi raw sila gumugupit at binalaan na rin ako na sarado ang mga stall na naggugupit.
Sabay tawag ni Jaristi ^_^
Matapos kausapin si Jaristi, agad kong tinawagan ang isa sa pinakamatalik kong kaibigan sa Psych. Inhinyero ang mga magulang nito kaya tiyak ay may mahihiram ang kahoy na panggupit.
Pumayag naman si Tinek kaya agad akong pumunta sa sakayan ngupang mag-antay ng dyip. Sa teacher's village ang bahay ni Tinek kaya madali lamang puntahan.
Pagdating ko sa bahay niya, ay mabilis lamang niyang inabot ang cutter. Gusto ko pa sanang makikain kaso gabi na. :D
Alas nuwebe na ako narating ng bahay.
Natapos ako ng alas onse ng gabi.
Medyo mapurol din kasi yung cutter kaya minsan gumagamit ako ng gunting.
No comments:
Post a Comment