Monday, February 23, 2009

Repost: Chinese

ChineseOct 26, '07 5:15 AM
for everyone

I look even stressed during this sembreak compared nung may pasok pa due to many sleepless nights dahil sa panononood ng meteor garden.

Ironic kasi dati, hindi ko talaga siya ganun kagusto and I used to laugh at people na inaabangan pa rin ang meteor garden sa GMA7 kahit na it has been aired two times sa channel 2, pero ngayon, talagang hindi ako natutulog para lang matapos ko yung buong series. Haha, naadik na yata ako kay Dao Ming Su.

Ewan ko ba, pero pagkatapos kong manood ng isang Korean, Japanese or Taiwanese Drama, I tend to have a crush dun sa bidang lalaki. I'll crave for more information about him, tapos
isesearch ko sa net, download his pictures, read threads and forums about him and then...mawawawala na lang.

Katulad nung kay Ryo... I still like him and he will forever remain as my ultimate crush with Jun pero parang medyo humupa (tama ba yung term?). Nakakainis nga na humupa siya kasi
Ryo and Jun both serve as diversion... para hindi ko masyadong isipin ang realidad.

Tapos, I realized something... napatunayan ko na hindi naman ako talaga mahilig o nadala ng Asian Wave, yun bang gusto mo na lahat ng Koreans, Japanese and Taiwan since sila yung nagpasimula ng Asian Invasion sa Pilipinas. Napansin ko kasi na hindi ko gaano type yung culture ng mga Chinese...no offense pero yung language kasi...basta, hindi ko maexplain. Siguro mas gusto ko lang talaga ang mga Koreans and Japanese culture.

Ironic di ba? Kasi kahit hindi ako mukhang intsik, may lahi akong instik, 1/4 ata. Yung picture sa taas; certificate yun. Member kasi kami dati ng Ong's Associations. Lahat ng chinoy na may apelyidong Ong ay magkaka-org, to put it simply. Dati kasi hindi na active sina mama at mga kapatid niya. Tsaka they prefer males na maging active at magaling mag-Mandarin, akso yung tito ko na magaling mag-Mandarin ay nasa states na kaya ayun...naging dati.

Siguro, kung pumayag ako noong grade 3 ako na magtansfer sa isang Chinese school, marunong na ako siguro kahit papaano mag-Chinese. Natakot kasi ako nun eh, biruin mo, Grade 4 ako in English tapos biglang Kinder ako sa Chinese at ang magiging kaklase ko ay mga chikiting... umayaw ako.

Ayun. Kaya tuloy simpleng words lang ang kaya ko... tapos pagdating sa sulat, yung pangalan ko lang ang kaya ko, in Fookien pa... di ko alam sa Mandarin.

Pero hindi ko naman pinagsisihan... okay lang naman kahit hindi ako matutong mag-Chinese, priority ko talaga ang matuto ng Japanese at Korean.

At hindi ko pa tapos ang Meteor Garden. Sobrang haba talaga siya unlike Hana Yori Dango. At kung ikukumpara mo ang dalawang version na ito, may kanya-kanyang kagandahan at kapangitan, depende na lang sa taste mo.

Sige. sana matapos ko na ang MG... di bale, may nalalabi pang ilang araw bago mag-2nd sem.

Magraragnarok muna ako. :P

No comments: