| Masakit ang ngipin ko. | for everyone |
Sa lahat, ito ang pinaka-ayoko. Kapag masakit kasi ang ngipin ko, feeling ko buong katawan ko masakit. Pero kahit masakit siya, hindi ako umiinom ng gamot, flanax man o ponstan. Ayoko kasi masanay na dumepende sa gamot. Mas gusto ko, ramdom ko yung sakit. Gusto ko nga pasakitin pa siya ng todo para alam ko kung paano ko siya titiisin. May kaibigan kasi ako na nasanay na laging umiinom ng gamot konting sakit lang ng ngipin niya. Ayun, kahit 500 mg ng ponstan, hindi na tumatalab.
Ang hilig ko kasi sa lollipop. Siguro dahil nagkaroon ako ng kalayaan na kumain nito. Nung bata pa kasi ako, bawal ang candy. Kaya pagtuntong ko ng grade 6, dun nagsimula ang lahat. Tinatago ko kay mama tapos yung una kong naging favorite na kendi ay yung ox ng coffee flavored. Iyon lang kasi ang tinda sa pinakamalapit na tindahan sa amin. Sa tuwing uutusan ako ni mama, titiyakin ko na bibili ako ng ox candy.
Ayaw ko rin na sumakit ang tiya hindi lang dahil sa pwede akong matae pero feeling ko, kapag masakit ang tiyan ko, nanghihina ako. Para akong sinuntok. Nung bata ako, may sarili akong panggamot sa sakit ng tiyan ko. Sabi ng kasambahay namin nun, kapag nilawayan mo ang hintuturo mo at nagdrowing ka ng krus sa tiyan mo gamit ang hintuturo mong may laway, tiyak mawawala ang sakit ng tiyan mo. Sinubukan ko iyon, tapos gumana! Pero, natuklasan ko nung 2nd year high school ako na hindi naman pala iyon totoo. Muntik na kasi akong matae nun. Salamat na lang sa imodium.
Masakit pa rin ang ngipin ko. At tiyak hindi ako makakatulog kaagad.Wah. Kelangan kong tiisin pa ng konti. Bukas, wala na ito. Sana.
No comments:
Post a Comment