| :)) | for everyone |
Kakatapos ko lang magragnarok. Medyo naadik na ako, pero isang oras lang naman isang araw. Baka kasi magtampo si lapitapi (peram ng word Tine) kung papagurin ko siya. Yun din yung naging advice sa kin ni Christine.
Dahil sa paglilimita ng paggamit sa laptop, nalilimitahan din ang paggamit sa pishi (peram ulit). Medyo natutuwa ako kasi at least makakapagpahinga siya kahit sa konting panahon upang maghanda na sa isa na namang panibagong sem na tiyak na mapupuno ng mga papel na kailangang isumite.
Nagtataka din ako sa sarili ko kung bakit Tagalog ang post ko. Siguro ay dahil kakatapos ko lang basahin yung post ni Tine na Sien.
Medyo naiingit din ako dun sa president ng scholarship namin. Biruin mo, for interview na siya upang maging isang exchange student sa Korea. Astig talaga... makakakita na siya bng snow tapos makikita pa niya sa Hyun Bin. Wah. Gusto ko ring maging exchange student. T_T
Di ko na nakakausap si Tine, lalo na si Ernie. Tsk. Hindi kami nagkakaabutan sa ym. Si hamster naman, matatagalan pa bago magparamdam ulit iyon.
Alam kong wala ng direksyon ang sinusulat ko. Haha. Pagpasensiyahan niyo na lang. :P
No comments:
Post a Comment